Pagbati sa inyo ako pala si Edsael at ako ay may na kausap na isang biktima ng pambubully sa paaralan .
Ito ay kwento ni Ian na isang normal na bata at grade 8 sa kasalukuyan nabiktima daw siya ng pambubully nung sya ay grade7 palamang.
Isang matalinong bata si Ian at maraming kaibigan ngunit marami ring naiingit sa kanya at isa na duon ang nambubully sakanya dahil sa palaging nangunguna si Ian sa classroom nila sa kahit anong pagsusulit.
Isang araw habang si Ian ay nanahimik at nag aaral sa kanyang lugar lumapit ang bully at pinagtripan sya kinuha ng bully ang libro ni Ian at inihagis at duon na nagumpisa ang kanilang pagtatalo.
Nagbatuhan sila ng masasakit na salita at
Nang nagkapikunan na kumuha na si Ian ng lapis at itinutok nya ito at sinabe na ayaw ko ng gulo maari bang umiwas ka nalamang saakin ngunit di nakinig ang bully at pinagpatuloy parin hangang sa sinaksak ni Ian ng lapis ang bully at biglang dumating ang kanilang guro at silay pinatigil at nakita ng guro na sugatan ang bully kaya ginamot nila ito
At dinala sila Ian at ang bully sa office upang malaman kung sino ang nagpasimula ng away nila at nalaman ng guidance na ang bully ang nagsimula kaya pinatawag ang magulang ng bully at pinarusahan ito.
Halong tuwa at takot ang naramdaman ni Ian dahil sa ginawa nya at magmula nun di na sya muling nilapitan ng bully .